MY BIG MOUTH by Ramon Tulfo
Hindi makatarungan ang paghahatol kay dating Army Maj. Gen. Jovito Palparan ng Bulacan Regional Trial Court sa diumano'y kidnapping ng dalawang estudyante ng University of the Philippines (UP).
Bakit 'kanyo? Unang-una, di napatunayan ng korte na si Palparan ang nag-utos na dukutin sina Karen Empeno at Sherly Cadapan. Hanggang ngayon ay di pa natatagpuan ang mga katawan nina Empeno at Cadapan. There is a maxim in law that says, "no body, no crime" na ang ibig sabihin ay kapag walang naipakitang ebidensiya, walang krimen. Ang hukom na si Alexander Tamayo ay naniwala sa sabi-sabi na si Palparan ang may utos sa pagkawala ng dalawang estudyante dahil siya ang commander ng Army division na may sakop ng Bulacan kung saan sila naglaho. May salawikain na ang naniniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili. Walang nakapagturo kay Palparan na siya ang mastermind sa paglaho ng dalawang radical students. Command responsibility raw ang kasalanan ni Palparan. Pero wala namang sundalo ni Palparan noon ang nahuli sa pagdukot sa dalawang estudyante. Ibig bang sabihin ay kapag isang pulis sa Metro Manila ay nasangkot sa kidnapping, pati si Director Guilor Eleazar, na hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ay damay sa kasong kidnapping at dapat din siyang hatulan?
0 Comments
Your comment will be posted after it is approved.
Leave a Reply.Ramon TulfoJournalist, Philanthropist, and now, a Blogger! Archives
October 2018
CategoriesSponsored by:
|
Proudly powered by Weebly