MY BIG MOUTH by Ramon Tulfo
Maraming, maraming salamat po sa inyong tiwala!
Mas pag-iibayuhin ko ang pagsisilbi sa inyo through my public service program, Isumbong mo kay Tulfo (DZRP, 738 khz on AM, 9:00 to 10:00 ng umaga) at sa aking columns sa INQUIRER at Bandera. ***** To the people who placed me in the 11th to 17th ranking in the latest Pulse Asia survey of possible “senatoriables,” thank you very much. It’s an affirmation of public trust in my public service program, Isumbong mo kay Tulfo, and my columns in the INQUIRER and Bandera. #montulfo #ramontulfo #mybigmouth #pulseasia #tulfo#isumbongmokaytulfo
0 Comments
Ito na po ang proposed resolution ni Senator JV Ejercito tungkol sa dalawang gusali na may problema sa mga unit nila. Basahin po natin. Abangan ang mga sumusunod na mga post. #montulfo #ramontulfo #isumbongmokaytulfo #tulfo Araw-araw, binibisita ni Pangulong Digong ang mga lugar na tinamaan ng supertyphoon Ompong.
Umuuwi siya gabi-gabi sa Malakanyang sakay ng kanyang helicopter. Ang aking hapunan noong Martes na itinakda sa alas 7 ay naging alas 9 dahil galing siya ng Isabela. Hindi kami masyadong nakapag-usap dahil siya’y hapung-hapo na. Kinabukasan ng madaling araw, Miyerkoles, lumipad naman siya patungong Nueva Ecija at Bulacan sakay ng chopper. Pero alam ba ninyo na halos wala sa media ang kanyang ginagawa? Ganyan si Digong: Ayaw niyang maibalita ang kanyang ginagawa. ***** President Digong visits areas hard-hit by Ompong every day. He goes home very late in Malacanang aboard his helicopter every night. My scheduled 7 pm dinner Tuesday with the President was moved to 9 pm because he came from Isabela. And yet what he’s doing is not in the news. Hindi makatarungan ang paghahatol kay dating Army Maj. Gen. Jovito Palparan ng Bulacan Regional Trial Court sa diumano'y kidnapping ng dalawang estudyante ng University of the Philippines (UP).
Bakit 'kanyo? Unang-una, di napatunayan ng korte na si Palparan ang nag-utos na dukutin sina Karen Empeno at Sherly Cadapan. Hanggang ngayon ay di pa natatagpuan ang mga katawan nina Empeno at Cadapan. There is a maxim in law that says, "no body, no crime" na ang ibig sabihin ay kapag walang naipakitang ebidensiya, walang krimen. Ang hukom na si Alexander Tamayo ay naniwala sa sabi-sabi na si Palparan ang may utos sa pagkawala ng dalawang estudyante dahil siya ang commander ng Army division na may sakop ng Bulacan kung saan sila naglaho. May salawikain na ang naniniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili. Walang nakapagturo kay Palparan na siya ang mastermind sa paglaho ng dalawang radical students. Command responsibility raw ang kasalanan ni Palparan. Pero wala namang sundalo ni Palparan noon ang nahuli sa pagdukot sa dalawang estudyante. Ibig bang sabihin ay kapag isang pulis sa Metro Manila ay nasangkot sa kidnapping, pati si Director Guilor Eleazar, na hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ay damay sa kasong kidnapping at dapat din siyang hatulan? Meeting with Senator JV Ejercito9/17/2018 Hindi lang isa, kundi dalawang condominium na pagmamay-ari ng Phinma Property Holdings ang inirereklamo dahil sa mga di umano'y sira-sira, mabaho, at tila hindi ligtas na tirahan. Sinamahan ko kanina ang mga residente nito kay Senator JV Ejercito, Chairman of the Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement. Kinausap kami nina Atty. Jeng Rondal, Atty. Rodrigo P. De Garcia, at Senator JV tungkol sa sitwasyon. Nagkasundo sa tulong ng tanggapan ni Senator JV na maglabas ng isang resolusyon na mag-iimbestiga sa Phinma Property Holdings upang mabigyang solusyon ang mga problema ng mga residente. The condominium units have cracks on the walls, flooring, and ceiling. Some of the windows and walls leak when it is raining. Amenities like a swimming pool and an entire basketball court have not yet been provided. Once filed, the resolution will bring the issues to the Senate. Abangan! If Gina Lopez were still environment and natural resources secretary, that Ompong-triggered mining disaster in Benguet would have been prevented.
More than 35 miners were buried in landslides in Itogon town. Lopez is anti-mining. The current DENR chief is playing politics. Here is an interview with Metro Manila Police Chief Guilor Eleazar on preparations for Super Typhoon "Ompong." "Syempre hindi naman lahat ng lumalapit dito kinakampihan namin eh." Pinagalitan ko ang isa sa mga complainants namin na dumulog sa tanggapan ng Isumbong Mo Kay Tulfo Official. Alamin ang detalye sa video na ito: Binugbog si Gerald Esurena, 26, isang construction worker ng 8 pulis-Quezon City. Sinamahan namin siya sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, sa mga opisina ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Muntik nang di sumama sa amin ang isang babaeng nakakita ng pambubugbog kay Gerald dahil natakot. We were able to convince her to make an appearance, and give her testimony. Siyempre deny to death ang mga parak na sangkot. Sabi nila, inimbita lang nila si Gerald sa presinto. And yet, they felt no need to have the incident or Gerald written in their station’s police blotter. Ibig sabihin, hindi crime suspect si Gerald at wala silang dahilan na saktan ito. Panoorin po natin ang nangyari! Ramon TulfoJournalist, Philanthropist, and now, a Blogger! Archives
October 2018
CategoriesSponsored by:
|
Proudly powered by Weebly